By Myris Lee
Suwerte para sa Team Pilipinas ang Friday the 13th dahil sa hindi maawat na paghataw ng mga ito sa unang araw ng 31st Southeast Asian (SEA) Games na idinaraos sa Hanoi, Vietnam.
Lima na ang ginto ng Pilipinas ngayong araw matapos mag wagi ni Pinoy wushu athlete na si Jack Escarpe sa Kurash Men’s-73kg event.
Hindi na ikinagulat ng lahat ang pag kopo ni Tokyo Olympian Carlos Yulo ng ginto sa men’s artistic gymnastics.
Bukod pa rito, nakapagbulsa rin si Yulo ng pilak sa men’s team artistic gymnastics kasama sina Jan Gwynn Timbang, Juancho Miguel Eserio, John Ivan Cruz, Justine Ace De Leon at John Matthew Vergara.
Back-to-back gold sa kickboxing ang Team Lakay standouts na sina Gina Iniong sa women’s low kick -60 kilograms finals at Jean Calude Saclag sa men’s low kick -63.5 kilograms finals.
Hindi naman nag pahuli ang iba pang miyembro ng kickboxing team na sina Claudine Veloso (low kick female 52kg), Zephania Ngaya (full contact female 65kg), Gretel De Paz (full contact female 56kg) at Renalyn Daquel (full contact female 48kg) ng namkyaw ang mga ito ng apat na pilak sa kumpetisyon.
Nagdadag din si Pinoy wushu athlete na si Jones Inso ng isang pang pilak ang bansa para sa men’s taolu taijiquan event.
Sa Women’s Kurash ay nag ambag ng dalawang tansong medalya sina Bianca Mae Estrella para sa 70kg category at Estie Gay Liwanen para sa 57kg event.
Sumagwan muli ang Philippine Rowing team ng tatlong tanso para sa men’s lightweight quadruple sculls event, men’s lightweight coxless four category, at women quadruple sculls category.
Ayaw magpaawat ng national women’s volleyball team sa kanilang pagkauhaw sa gintong medalya na huling nakamit ng bansa noong 1993.
Ginapi ng Pinay volleybelles ang Malaysia, 25-14,25-20, at 25-15 upang makausad sa susunod na round.
Beast mode naman ang Gilas Men’s 3×3 upang maprotektahan ang kanilang 2019 SEA Games title kontra Cambodia sa larong nagtapos sa iskor na 19-7, habang tiklop namang ang Team Thailand, 21-16 ngunit sa kasamaang palad ay nabigo ang koponan laban sa Indonesia sa iskor na 15-13 .
Sa ngayon ay nanatili pa rin sa ikaapat na puwesto ang bansa sa opisyal na medal tally ng biennial sportsfest na may limang ginto, labing dalawang pilak, at labing isang tansong medalya. – ag