Sinimulan na ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) ang pagbabakuna laban sa African Swine Fever (ASF).
Ayon sa BAI, inumpisahan ang trial ng ASF vaccine na galing sa Estado Unidos nitong Abril 23 sa sampung farm sa Luzon. Ang mga farm ay pinili mula sa mga gustong sumali sa trial, at base sa estado ng kanilang biosecurity.
Ang ASF vaccine trials ay gagawin at oobserbahan ng mga kawani at beterinaryo ng DA-BAI sa loob ng 84 na araw, alinsunod sa mga patakaran ng technical working group ng gobyerno at Zoetis Philippines, Inc.
Ang Zoetis ay ang pangunahing katuwang sa paggawa ng bagong bakuna laban sa ASF na pumipigil sa virus sa inisyal na trials sa ibang bansa.Â
Nilinaw ni BAI Director Reildrin Morales na ang nasabing bakuna ay hindi pa rehistrado kaya kailangang gawin ang trial sa isang controlled area.Â
Ayon naman kay DA Secretary William Dar, sila ay nakikipag-usap sa mga beterinaryo sa mga probinsya para sa vaccine trials. Sinabi rin niya na ang mga BAI veterinarians ay sumailalim na sa orientation at handa na sila para sa deployment.
Naniniwala si Dar na magiging matagumpay ang vaccine trials na pipigil sa pagkalat ng ASF, na siyang pumilay sa industriya ng baboy dito sa bansa.Â
(PTV News) NGS-jlo